PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong sinibak ang 2 PNP ‘narco-generals’

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang taon ang limang "narco generals" na sina retired deputy director general Marcelo Garbo, retired chief superintendent and now Mayor Vicente Loot of Daanbantayan, Cebu; police Director Joel Pagdilao and Chief Supts. Edgardo Tinio at Bernardo Diaz.

MANILA, Philippines — Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterter ang dalawang high-ranking Philippine National Police na sangkot umano sa ilegal na droga.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang hatol ni Duterte kina Chief Superintendent Edgardo Tinio at Director Joel Pagdilao dahil sa serious neglect of duty at irregularity in performance

“Evidence show that both generals have deliberately refused without cause to perform their duties as police officers resulting in the proliferation of drug trade in their areas of jurisdiction, thus the president's decision,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Albella.

Hindi naman alam ni Abella kung mahaharap sa kasong kriminal ang dalawang pulis.

Kabilang sina Tinio at Pagdilao sa limang “narco-generals” na pinangalanan ni Duterte nitong nakaraang taon.

Pinabulaanan naman ito nina Tinio at Pagdilao ganun din ang iba pang idinawit na sina retired police officials Marcelo Garbo Jr., Bernardo Diaz at Vic Loot.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dating hepe ng National Capital Region Police Office si Pagdilao habang pinamunuan noon ni Tinio ang Quezon City Police District.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: