^

Bansa

Leni ‘di natitinag sa bantang impeachment

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
Leni �di natitinag sa bantang impeachment

Hindi natitinag si Vice Pres. Leni Robredo sa mga bantang impeachment dahil wala naman umanong katotohanan ang mga bintang na ibi­nabato sa kanya kabilang ang pagtataksil umano sa bansa. OVP/Released, File

MANILA, Philippines — Hindi natitinag si Vice Pres. Leni Robredo sa mga bantang impeachment dahil wala naman umanong katotohanan ang mga bintang na ibi­nabato sa kanya kabilang ang pagtataksil umano sa bansa.

Noong Sabado, sinabi ni Robredo na sapagkat kasinungalingan ang bintang sa kanya kaya hindi siya nababahala.

Aniya pa, kung ‘di naman totoo ang ikinukulapol ay hindi dapat mag-aalala.

Nitong linggo ay si­nampahan ng reklamong impeachment ang bise presidente dahil sa pagkanulo umano sa public trust sa isang radio message na ipinadala nito sa United Nations, ng mga kritiko nito na kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Hindi naman inindorso ng sinumang mambabatas ang reklamo, bagay na kailangan para umusad ang reklamong impeachment.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, ipinagkanulo ni Robredo ang public trust nang ipadala nito ang video message sa UN Commission on Narcotic Drugs kung saan inuusig nito ang war on drugs ng gobyerno .

Inakusahan din ni Ri­vera si Robredo ng ma­ling paggamit sa Pag-IBIG funds noong chairman pa ito ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at nag-sponsor umano si Robredo ng national convention sa United States na hindi konektado sa housing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with