^

Bansa

Mocha Uson: Biktima rin ako ng fake news

Pilipino Star Ngayon
Mocha Uson: Biktima rin ako ng fake news

Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson. Senate PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines — “Ako po ay na-bash online.”

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson sa pagdinig ng Senado ngayong Miyerkules sa pagkalat ng fake news sa bansa.

Sinabi ni Uson na siya mismo ay biktima ng maling pagbabalita kung saan binatikos niya ang ilang miyembro ng mainstream media.

“Kadalasan po, ilang mainstream media katulad po ng GMA News na ako daw po ay nagselfie sa loob ng grand mosque sa Marawi,” pahayag ni Uson.

BASAHIN: Trillanes kinasuhan na si Mocha Uson sa Ombudsman

Depensa naman ni GMA News Online editor-in-chief Jaemark Tordesillas na ibinabalita lamang nila ang naging saloobin ni Lanao del Sur assemblyman Zia Alonto Adiong na hindi natuwa sa inasal ni Uson.

Sinabi ni Uson na dapat ay hiningi rin ng GMA News Online ang kaniyang pahayag upang maging patas.

Nabanggit din ni Uson ang ipinakalat umano ng ABS-CBN News Online na kinuha siya ng Bureau of Customs bilang consultant.

Samantala, ilang beses na ring nabatikos si Uson dahil sa pagbibigay ng mali-maling impormasyon sa kaniyang blog.

Kabilang dito ag paggamit ng litrato ng mga pulis-Honduras kung saan sinabi niya na ipagdasal ang mga Pilipinong sundalo na nakikipagbakbakan sa Marawi.

Hinamon din niya ang oposisyon na dumalo sa burol ng isang nasawing pulis ngunit kalaunan ay nalaman na isang taon nang patay ang tinutukoy ni Uson.

Kinasuhan na rin ni Sen. Antonio Trillanes IV si Uson dahil sa pagpapakalat ng umano’y bank accounts niya sa ibang bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with