^

Bansa

Bato sa mga kritiko: Ingrato kayo!

Pilipino Star Ngayon
Bato sa mga kritiko: Ingrato kayo!

MANILA, Philippines – “You can criticize us to high heavens, but I can tell you straight sa mata: Inggrato kayo.”

Ito ang mensahe ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa patuloy na bumabatikos sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Isinumbat ni dela Rosa sa mga kritiko ang natamo ng kanilang programa na pinakikinabangan din naman ng lahat.

“Nakinabang din kayo sa peace and order na dinulot ng war on drugs. You can criticize us… Inggrato kayo,” sabi ng PNP chief.

BASAHIN: Mga pulis, ayaw na sa EJK

“Mga anak mo, pumapasok na walang kaba, walang takot dahil bihira na ang krimen sa kalsada,” dagdag niya.

Sinabi ni dela Rosa na wala naman siyang partikular na taong pinatatamaan.

“Wala akong specific person basta criticize ni’yo kami tanggap namin ‘yan pero ako naman bumuwelta rin ako sa inyo.”

Kahapon lamang ay muling inimbestigahan ng Senado ang pagkamatay ng mga teenager kabilang ang kaso nina Kian delos Santos at Carl Arnaiz na kapwa nasawi sa kamay ng mga pulis ng Caloocan City.

Samantala, ilang pulis na umano ang lumapit sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines upang isiwalat ang kanilang partisipasyon sa extra judicial killings at summary executions.

Sinabi ni CBCP president Archbishop Socrates Villegas na humingi sa kanila ng “sanctuary, succor and protection” ang mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with