Parak utas sa zipline
MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang bagitong pulis ang pagsi-zipline nito matapos itong aksidenteng mahulog sa isang resort sa Los Baños, Laguna nitong Lunes.
Sa ulat ni Supt. Arvin Avelino, hepe ng Los Baños Police, dakong alas-11 ng gabi kamakalawa nang bawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Healthserv Medical Center ang biktimang si PO1 Andrew Tamayo, 32-anyos. Si Tamayo ay aktibong miyembro ng kanilang himpilan, ayon sa opisyal.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang sakuna dakong alas-4 ng hapon sa Laresio Lakeside Resort & Spa sa Brgy. Tadlac ng bayang ito.
Ayon sa mga nakasaksi, masayang nagsi-zipline ang biktima nang aksidente itong makabitaw sa napatid na zipline at nahulog mula sa tinatayang 20-30 metrong taas.
Nabatid na ang biktima ay off duty na nakipag-date sa kaniyang nobya sa nasabing resort nang mangyari ang insidente.
“Accordingly, upon sliding on the zipline for approximately 10 to 20 meters tension wire was suddenly broken and the victim drag down beneath in the Crocodile Lake, life guards took ten to fifteen minutes before they rescued the victim and called the municipal ambulance“, ani Avelino.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.
- Latest