^

Bansa

Phl-US nagdaos ng counter terrorism drill

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, nagdaos ng counter terrorism drill ang  tropa at mga opisyal ng Estados Unidos at ng Pilipinas upang mapalakas pa ang opensiba, pagtugon at pagsupil laban sa pandaigdigang banta ng terorismo.

Ito’y sa gitna na rin ng pagsasanib puwersa ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Maute terrorists kaugnay ng patuloy na bakbakan sa lungsod ng Marawi City na halos apat na buwan na ang krisis.

Ang US ay mahabang panahon nang kaalyado ng Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB).

Gayunman, ang scenario ng “Tempest Wind Exercises” na nilahukan ng 1,200 sundalo at mga opisyal ng militar at ng defense department ng US at Pilipinas, iba pang mga ahensya ng gobyerno at mga sibilyan ay isinagawa sa Clark Field, Pampanga kung saan ang scenario ay hijacking ng eroplano at pagliligtas sa mga hostages.

 Sa scenario ng exercise, isang pampasaherong eroplano na galing pa sa Sydney, Australia ang na-hijack ng ISIS terrorists na napilitang mag-landing sa Pilipinas sa halip na sa Hawaii na siya nitong destinasyon.

Sa nasabing rescue operations ng US at Phl troops ay nasa walong ISIS ang napaslang at nasagip naman ang 162 mga pasaherong Amerikano at Filipino sa counter terrorism exercise na isinagawa mula Setyembre 18-26 ng taong ito.

Samantala, hindi man kabilang sa scenario ang Marawi siege ay nagsilbi itong background ng Tempest Wild drill.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with