P3.7 T national budget aprub
MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang P3.7 T national budget ng pamahalaan sa 2018.
Sa ginanap na botohan, 223 ang Yes habang 9 ang No sa House Bill 6215 o ang 2018 General Appropriations Act.
Mas mataas ito ng 12.4% kumpara sa 2017 National Budget dahil sa Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte para buhusan ng alokasyon ang mga malalaking infrastructure projects.
Kabilang sa mga pangunahing ahensiya na may pinakamalaking alokasyon ng budget ang Department of Education, P567.562B; DPWH, P458.610B; DILG P150.051B; DND, P134.543B; DSWD, P129.912B; DoH, P94.047B; Dept of Transportation, P55.479B; DA, P45.292B; Judiciary, P32.542B at DENR, P29.371B.
Nakapaloob na rin dito ang P40 bilyon na ilalaan sa Free Higher Education sa susunod na taon at naibalik na rin dito ang alokasyon para sa CHR na P508 milyon sa halip na P623M, NCIP na P1.1 bilyon at ERC na P390.5M matapos na bawiin ng Kamara ang P1,000 pondo na ibinigay sa mga ito.
Naantala ng isang linggo ang pag-apruba ng third reading kaya inaasahang sa November 22 na ito mapapalagdaan kay Pangulong Duterte sa halip na orihinal na target na November 15.
- Latest