^

Bansa

Solano pinangalanan ang 6 frat men sa Atio hazing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Solano pinangalanan ang 6 frat men sa Atio hazing

Bantay sarado ang Aegis Juris Resource Center library na nasa Andalucia corner Laong Laan St. sa Maynila na sinasabing naging crime scene kung saan dito pinick-up ng suspek na si John Paul Solano ang katawan ni Atio Castillo matapos ang fraternity hazing incident. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing responsable sa pagkamatay ni Horacito “Atio” Castillo III ang pinangalanan ng hazing suspect na si John Paul Solano sa executive session ng Senado kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, personal na kaibigan ng ama ni Castillo, maganda ang kinalabasan ng executive session dahil sinabi lahat ni Solano ang kanyang nalalaman kasama ang pangalan ng anim na frat men.

Inaasahan din umano ni Zubiri na maayos ang kaguluhan kaugnay sa pagsasampa kaagad ng kaso laban kay Solano at mailalabas ang kanyang sworn affidavit kung saan idedetalye niya ang nalalaman sa hazing.

“Kasi nagkagusot-gusot din sa prosecution di ba? Pinaylan (filed) siya kaaagad ng murder charges and other charges under inquest proceedings na according to legal luminaries dapat nagkaroon muna ng preliminary investigation,” sabi ni Zubiri.

Lumalabas anya na minadali ang paghahain ng kaso laban kay Solano at nag-aalala ang ilang senador kabilang si Sen. Panfilo Lacson na baka makalusot pa ang mga sangkot dahil sa technicalities.

Base rin aniya sa na­ging testimonya ni Solano maliwanag kung sino ang liable sa pagkamatay ni Castillo.

Pero tumanggi din si Zubiri na isiwalat ang mga inihayag ni Solano lalo pa’t nakuha nila ito sa pamamagitan ng exe­cutive session.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with