^

Bansa

P7-B pondo inilaan sa NFA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang gob­yerno ng P7 bilyong pondo sa National Food Authority (NFA) para sa susunod na taon upang masiguro na may sapat na stockpile ng bigas ang bansa.

Sinabi ni House Good Government Committee Chairman Johnny Pimentel, ang nasabing halaga ay gagamitin ng NFA sa pagbili ng palay na ani ng mga lokal na magsasaka.

Sa kabuuan, umaabot ng 400, 000  metriko tonelada na umano ang mabibili ng NFA gamit ang subsidiyang ito sa halagang P18 kada kilo mula sa mga lokal na magsasaka.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa NFA na palakasin ang pamimili ng palay na ani sa bansa bilang tulong sa mga magsasaka kasabay ang pagtiyak na matatag ang strategic rice reserve ng bansa.

Sa ilalim ng mandato ng NFA, kailangan pa ng 15-araw ang rice reserve nito subalit pag-aakyat ito ng pang 30-araw naman kapag lean season at kung panahon ng kalamidad.

Sa kabila naman ng fresh funding para sa pagbili ng lokal na ani,  ang NFA ay target pa rin na mag-akyat ng 580,000 metriko tonelada sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with