^

Bansa

P92M tara ni Taguba sa BoC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P92M tara ni Taguba sa BoC

Ibinunyag kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee na umabot sa P92 milyong halaga ng “tara” o lagay na naibayad ng customs broker na si Mark Taguba II sa mga opisyal ng Bureau of Customs. Senate PRIB, File

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee na umabot sa P92 milyong halaga ng “tara” o lagay na naibayad ng customs broker na si Mark Taguba II sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon hinggil sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BOC, sinabi ni Taguba sa kanyang powerpoint presentation, ipinakita ni Taguba ang “breakdown” ng “tara” o naibayad niyang “lagay” o padulas sa mga ‘collectors’ ng BOC kasama na ang screen shots ng kanyang mga text messages sa isang “Tita Nanie” na sinasabing bahagi ng tinatawag na Davao Group na iniuugnay kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Nagpakita rin si Taguba ng kopya ng mga resibo, withdrawals, at logs ng mga tawag sa telepono kabilang ang mula sa isang Joel Pinawin, na chief collector umano ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS).

Ayon kay Taguba, nagbayad siya ng P170,000 sa bawat containers kung saan P60,000 ang para sa shipping; P15,000 para sa container deposit; P40,000 sa duties/taxes; P9,235 para sa arrestre; P10,000 para sa trucking at P27,200 para sa tara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with