Uber, Grab gamit na ‘drug courier’, sisiyasatin
MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Kamara de Representantes ang ulat na ginagamit ng mga drug pusher ang mga driver ng Uber at Grab transport network sa paghahatid ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, chairman ng komite, na magsasagawa ng “motu propio investigation” ang House Committee on Dangerous Drugs tungkol sa nasabing isyu.
Giit ni Barbers, dapat na magkaroon ng polisiya ang mga Transport Network Vehicles Service (TNVS) ng Uber at Grab para malaman kung illegal ang ipinapadala sa kanila ng mga rider.
Ito ay dahil sa wala umanong alam kung ano talaga ang polisiya dito ‘pag tumawag sa delivery services kapag magpapadala o magpapa-deliver ng mga kargamento o dokumento
Ang hakbang ay ginawa ni Barbers matapos na iulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ginagamit ng mga drug pusher ang door step delivery ng Grab at Uber para hindi sila mahuli.
Nabuking ang nasabing modus matapos na mahuli sa isang buy-bust operation sa condominium unit sa Mandaluyong City ang TNVS driver na si Jovet Atillano kung saan tinago umano ang droga sa package na ipinadala sa kanya.
- Latest