^

Bansa

Solano, 21 pang fratmen kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Solano, 21 pang fratmen kinasuhan

Iniskortan ng mga kagawad ng Manila Police District si John Paul Solano para ma-inquest sa kinakaharap nitong patung-patong na kasong kriminal sa DOJ dahil sa pagkasawi ng UST law freshman na si Horacio Castillo III bunsod sa Aegis Juris fraternity hazing. Kuha ni Edd Gumban
 

MANILA, Philippines — Patung-patong na kaso ang isinampa ng Manila Police District (MPD) sa Department of Justice (DOJ) laban kina John Paul Solano at 21 iba pa na miyembro ng Aegis Juris Fraternity at suspect sa pagpatay sa University of Sto. Tomas law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Pinamunuan ni DoJ Assistant  State Prosecutor Susan Villanueva ang panel ng prokusyon na nagsagawa ng inquest proceeding laban kay Solano sa mga kasong murder, robbery, obstruction of justice, perjury na kinuwestyon naman ng legal counsel ng akusado na si Atty. Paterno Esmaquel.

Sinabi ni Esmaquel, hindi dapat na isailalim sa proceedings si Solano dahil  sumuko siya at hindi subject ng warrant of arrest. Naghain din siya ng “omnibus motion” upang ma-dismiss ang kaso at mapalaya si Solano dahil maituturing na ‘illegally detain’ ang kanyang kli­yente.

Samantala, tiwala naman si Solano na mas pa­niniwalaan pa rin ang kanyang testimonya ba­gamat  una na siyang nagsinungaling nang sabihin niyang natagpuan lamang niya ang bangkay ni Atio. Binigyan niya na wala siya sa  lugar ng initiation rites at  hindi siya aktibong mi­yembro ng frat  at hindi siya naka-enroll. Tinawagan lamang umano siya upang magbigay ng medical assistance.

Dumating din sa DoJ ang mag-asawang Carminia at Horacio Castillo upang dumalo sa pagsisiyasat sa suspek. Kinontra nila ang planong gawing state witness si Solano dahil naniniwala silang may kasalanan siya sa pagkamatay ng kanilang 22-anyos na anak.

 Anim pang miyembro ng Aegis Juris fraternity ang tina-target nilang mahuli sa mga susunod na araw na ayon sa natanggap nilang impormasyon ay siyang nagpasimuno sa pagsubok at pambubugbog kay Castillo bilang bahagi ng kanilang pagtanggap dito sa Aegis Juris fraternity.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with