PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Minorya nais padaluhin si de Lima sa mga sesyon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang minorya sa Senado na hayaang makadalo sa mga mahahalagang sesyon ang nakakulong na Sen. Leila de Lima habang nakabinbin pa ang pagdinig sa kaniyang mga kaso.

Nakasaad sa Senate resolution No. 505, iginiit ng minorya na hindi maitituring na “flight risk” ang senadora lalo na’t kusa naman siyang sumuko nang ilabas ang arrest warrant laban sa kaniya.

“In the exercise of the Senate’s constitutional mandate to serve the people, it is in the best interest of the institution to allow Senator De Lima to continue her legislative duties pending the trial of her cases,” nakasaad sa resolusyon.

Sa kabila ng pagkakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, umabot na sa 55 panukalang batas at 55 resolusyon na ang naihain ni de Lima na itinuturing na kauna-unahang political prisoner ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BASAHIN: Privilege speech ni Trillanes para sa pagpapalaya kay de Lima

Ikinulong ang senadora dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa high-profile inmates ng New Bilibid Prison sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"By allowing Senator De Lima to continue performing her duties as a senator of the Republic of the Philippines, we are heeding to the call of the overwhelming mandate of the electorate who wants Senator De Lima to represent them," patuloy ng minorya.

Tinukoy ng grupo ang mga nakaraang pagkakataon na nakapagpiyansa ang sina dating senador Justiniano Montano at Juan Ponce Enrile  upang magampanan ang kanilang trabaho.

“The experience of a detained legislator being allowed to continue performing his/her duties is not new in Philippine politics.”

Binubuo ang minorya nina Minority Floor Leader Franklin Drilon, Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, at Antonio Trillanes IV.

Nauna nang nanawagan si Trillanes sa Senado na palayain si De Lima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: