^

Bansa

Maute terrorists gusto nang sumuko

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Marami na umanong mga miyembro ng tero­ristang grupo na Maute ang gustong sumuko sa pamahalaan.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., Deputy Commander ng Joint Task Force Marawi na, may mga nakukuha na silang surrender fee­lers mula sa mga miyembro ng Maute.

Paliwanag ni Braw­ner, ang natanggap nilang feelers mula sa mga te­rorista ay dahil sa pag­lagay nila ng speakers sa main battle area na naghaha­yag kung ano ang procedures kapag sumuko sila sa gobyerno.

Ang mga nais uma­nong sumuko maging combatants o ang mahuhuli sa gitna ng palitan ng putukan ay sasailaim sa medical at psychiatric testing.

Kasama rin sa proseso ng militar sa mga susuko ay ang pagdetermina kung ang mga sumuko ay mga miyembro ng Maute, mga napilitan lang sumali, mga hostages o ang nagbalik Islam.

Samantala, muling bubuksan ng militar ang ilang lugar sa Marawi City para makuha ng mga residente ang kanilang mahahalagang gamit.

Samantala, muling bubuksan ng militar ang ilang lugar sa Marawi City para makuha ng mga residente ang kanilang mahahalagang gamit.

Ayon kay Brawner, ang mga lugar na bubuksan nila ay ang tinukoy na ng militar na ligtas at ang mga residente doon ay papayagan lamang na makapasok subalit limitado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with