^

Bansa

Tulay nabawi na sa Maute

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tulay nabawi na sa Maute

Pinangunahan nina Major Generals Rolando Bautista at Danilo Pamonag, Commander ng Joint Task Force Marawi at Commander ng Joint Special Operations Task Force Trident ang pagtawid sa Bayabao Bridge at Masui Bridge na nabawi ng militar mula sa Maute terror group.

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay natawid na ng mga opisyal ng militar ang mga tulay na inokupa ng Maute group nang magsimula ang Marawi siege noong Mayo 23.

Pinangunahan nina Major Generals Rolan­do Bautista at Danilo Pamonag, commander ng Joint Task Force Maraw at Commander ng Joint Speacial Operations Task Force Trident ang pagtawid sa Bayabao Bridge at Masui Bridge kahapon ng alas-10 ng umaga.

Ang nasabing mga tulay ay nabawi at nakontrol kamakailan ng tropa ng pamahalaan mula sa Maute terrorist group.

Sinalubong naman ang dalawang commander sa kabilang tulay ni Brigadier General Melquiades Ordiales, commander ng Joint Task Group Tiger.

Sinabi ni Bautista na maituturing na significant progress ang kanilang ginawa dahil sa effort ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na matalo ang mga terorista, masagip ang mga hosta­ges at muling mabawi ang buong siyudad ng Marawi.

Dahil dito kaya nanini­wala ang opisyal na despe­rado na ang mga terorista dahil sa patuloy ang mga sundalo at pulis sa kanilang defensive positions.

Muli namang umapela si Bautista sa mga teroris­ta na sumuko na at pakawa­lan ang kanilang mga hostage.

Sa ika-125 araw naman ng giyera sa Marawi ay umabot na sa 151 sundalo at pulis ang nagsakripis­yo habang 694 terorista ang napapatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with