^

Bansa

P200 M insurance sa probinsiyang masasalanta ibibigay ng GSIS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng P200 milyong insurance ang national government at inisyal na 25 mga lalawigan sa bansa sa oras na masalanta dulot ng malalakas na bagyo at lindol.

Ito ay sa pamamagitan ng inilunsad na P10 bilyong Parametric Insurance Pilot project ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ayuda ng World Bank at United Kingdom Department for International Development na kauna-unahan umano sa bansa.

Inihayag ito ni GSIS Chairman Francisco Duque III sa dayalogo sa higit 400 pensioners sa Lucena City, Quezon.

Sakop ng naturang insurance ang mga masisirang ari-arian na dulot ng malalakas na bagyo na taunang tumatama sa bansa at mga lindol. Kabilang sa 25 lalawigan ang Quezon.

Sinabi ni Duque na ang insurance coverage ay upang agarang makaresponde ang nasyunal at lokal na pamahalaan sa relief operations at sa rehabilitasyon ng mga tatamaang lalawigan sa bansa ng mga kalamidad.

Kasabay nito, inamin rin ni Duque na patuloy na mahina ang proseso ng koleksyon sa loans ng GSIS partikular na sa mga umutang na mi­yembro ng Department of Education (DepEd). 

Mahigpit na nakiki­pag-ugnayan umano sila ngayon sa DepEd para mapataas ang 86% collection efficiency sa ahensya na naitala nitong taong 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with