^

Bansa

1,141 katao inilikas sa flashflood

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1,141 katao inilikas sa flashflood

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) IV-B, dakong alas-10 ng umaga kahapon nang umapaw ang ilog sa Brgy. El Vita at Claudio Salgado sa Sablayan, Occidental Mindoro. File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,141 katao ang inilikas dahil sa flashflood na rumagasa sa ilang barangay sa Sablayan, Occidental Mindoro at Bacolod City at iba pang bayan ng Negros Occidental sanhi ng malalakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA).

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) IV-B, dakong alas-10 ng umaga kahapon nang umapaw ang ilog sa Brgy. El Vita at Claudio Salgado sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Nasa 82 pamilya ang inilikas sa Brgys. Ibud, Buenavista, San Vicente, Sto Niño at Poblacion na pawang sa bayan ng Sablayan.

Iniulat naman ng OCD Region 6 na nagdulot ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko, pagkasira ng mga bahay, pagkawala ng supply ng kuryente ang malalakas na pag-ulan kung saan daang commuters ang na-istranded sa lungsod ng Bacolod sanhi ng southwest monsoon.

Naitala sa 277 pamil­ya ang inilikas sa lungsod ng Bacolod sanhi ng mala­lakas na pag-ulan simula pa nitong Biyernes ng gabi.

Sa Purok Mars, Brgy. Singcang airport, hindi magkandaugaga ang mga residente sa binansagang “Lechonan Country”sa pagsagip sa kanilang mga baboy na naglutangan sa baha.

Iniulat din ang mga pagbaha sa iba pang lugar sa Negros Occidental kung saan nasa 307 ang inilikas sa bayan ng Pontevedra at 149 sa Sipalay City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with