^

Bansa

Tumakas na hazing suspect, ireport

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tumakas na hazing suspect, ireport

Sinabi ni Bagong He­nerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman ng House Committee on Public Information sa Pinoy community doon na gawin ang kanilang ‘civic duty’ upang tumulong sa mga awtoridad sa pagtugis kay Trangia at maibalik ito sa Pilipinas sa lalong mada­ling panahon. File

Solon sa Pinoys sa US

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang isang kongresista sa mga Pinoy sa Chicago at Midwestern sa Estados Unidos na agad ireport sa mga awtoridad sakaling makita ng mga ito ang presensya ni Ralph Trangia, isa sa mga pa­ngunahing suspect sa hazing na ikinasawi ni UST law student Horacio “Atio’ Castillo III.

Sinabi ni Bagong He­nerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman ng House Committee on Public Information sa Pinoy community doon na gawin ang kanilang ‘civic duty’ upang tumulong sa mga awtoridad sa pagtugis kay Trangia at maibalik ito sa Pilipinas sa lalong mada­ling panahon.

Si Castilo, 22, ay na­pa­tay sa initiation rites para maging miyembro ng Aegis Juris frater­nity noong nakalipas na Sabado ng gabi. Nakita ang bangkay nito sa isang bangketa sa Balut, Tondo nang sumunod na araw.

Una nang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na tumakas na sa bansa patungong Taiwan noon pang Setyembre 19 si Trangia kasama ang kaniyang amang si Antonio Trangia pero sa huling ulat ay nakalipad na ang mga ito patungo sa Chicago, US at hinihinala ring nagtungo sa gitnang bahagi ng nasabing bansa.

Nitong Biyernes ay sumuko kay Sen. Panfilo Lacson si John Paul Solano, isa sa mga panguna­hing suspect pero itinanggi na kasali siya sa hazing.

Iginiit ni Solano na siya ang nagdala kay Castillo sa pagamutan na halos patay na umano ng kaniyang tulungan.

Sinabi ni Herrera-Dy na aabot sa 12,684 ang mga rehistradong OFW sa Chicago base na rin sa rekord ng Philippine Consulate doon.

Samantala, sinuportahan rin ni Herrera-Dy ang panawagang kanselahin ang pasaporte ng lahat ng mga suspect sa hazing na ikinasawi ni Castillo.

Nabatid na tatlo ang pangunahing suspect pero nasa 16 katao na miyembro at opisyal ng Aegis Juris fraternity, ayon sa mga awtoridad ang kailangang managot sa karumal-dumal na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with