^

Bansa

Pagkatapos ng clearing operations Martial law sa Mindanao, babawiin ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahandang i-lift ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao pagkatapos ng clearing operations sa Marawi City at masisigurong hindi na magkakaroon ng spillover sa banta ng terorismo sa ibang lugar sa Mindanao.

“Yes, when it’s safe.,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa ng dumalaw muli ito sa Marawi City.

“The catch word is when it’s safe here in Mindanao; there is no pulling of a… spillage of men. As long as it remains manageable and the police can take care of it,” dagdag pa ng Pangulo.

Bago niya bawiin ang Martial Law sa Mindanao ay uunahin muna ang clearing operations sa Marawi at kailangang masiguro na wala ng magiging banta ng terorismo sa ibang lugar sa Mindanao. Aniya, agad na kasunod ang rehabilitasyon ng Marawi kapag tiyak na ligtas na ang lungsod. Magugunita na idineklara ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao noong Mayo 23 ng lumusob ang Maute-ISIS group sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with