PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lulutang na testigo sa UST hazing inalok ng witness protection ng DOJ

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Department of Justice na protektahan ang sinumang makikipagtulungan sa kanila upang maresolba ang pagkamatay ni UST law student Horacio Castillo III.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II  na handa silang ilagay sa witness protection program ang sinumang handang ilahad ang katotohanan.

Aniya delikado at may hidden agenda ang mga taong ayaw ilabas ang totoong sinapit ni Castillo na pinaniniwalaang nasawinsa hazing ng Aegis Juris fraternity.

Iginiit ng kalihim na poprotektahan ng gobyerno ang mga tatayong testigo.

Nagbigay rin sila ng numero na maaaring tawagan upang makapagbigay ng impormasyon sa kaso. Maaaring tawagan ang
0995 442 9241.

Kahapon lamang ay kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang isa sa mga suspek na kinilalang si Ralph Trangia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod kay Trangia nasa watchlist na ang iba pa niyang kasama sa fraternity.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: