^

Bansa

8,536 katutubo nabigyan ng skills training ng TESDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang tulungang maiangat ang kabuhayan ng mga kababayan nating miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) ay nagbigay ng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga ito sa buong bansa.

 Ayon kay TESDA Director General, Secretary Gui­ling “Gene” Mamondiong, umabot na sa 8,536 katutubo sa buong bansa ang nabigyan ng skills training na kanilang magagamit upang magkaroon ng pagkakataon na maiangat ang kanilang kabuhayan.

 Sa kabuuang bilang, ang Region 11 ang may pinakamaraming mga katutubo na nabigyan ng skills training kung saan ay umabot sa 2,869 indibidwal ang nagka-interes na magkaroon ng kasanayan mula sa TESDA.

 Sinundan ito ng Caraga Region na may 1,669 katutubo na nabigyan ng skills training, Cordillera Administrative Region (CAR) – 1,599; Region 12 – 810; Region 4A at 4B – 690; Region 1 – 343; Region 6 – 194; Region 5 – 173; Region 2 – 148; Region 10 – 25 at Region 8 na ?may 16.

 Samantala, ang National Capital Region (NCR), Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 3 at Region 9 ay wala pang naitatalang katutubo na nagpatala para sa skills training ng TESDA.

 Kabilang naman sa kursong pumatok sa mga IPs ay ang perform haircutting services (COC), beauty care services nail care (NC II), bread making - leading to bread and pastry production (NC II), driving (NC II), hilot wellness massage (NC II), masonry (COC/NC II), carpentry (NC II), prepare cook hotmeal leading to cookery (NC II), shielded metal arc welding (NC I) at electrical installation and maintenance (NC II). 

Sinabi pa ni Mamondiong na inaasahan nila ang paglobo ng bilang ng mga katutubo na kukuha ng skills training sa TESDA dahil na rin sa magandang mai­dudulot nito sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga IPs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with