^

Bansa

Police Davao boluntaryo na lang kung gustong maitalaga sa Caloocan –Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagtutol ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio, tanging ang mga magbo-boluntaryong pulis sa nasabing lungsod ang itatalaga para humalili sa mga sinibak na tauhan ng Caloocan City Police.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa nang hingan ng komento sa pagtutol ni Mayor Duterte-Carpio na italaga kapalit ng mga nasibak na Caloocan City cops ang mga pulis sa lungsod ng Davao.

 “Of course I understand her predicament, kahit ako naman mismo right now if I am the City Director of  Davao magkakaroon ang national headquarters ng policy na ganun well wala akong magawa but to support it,” pahayag ni dela Rosa.

 “Iniimbitahan ko (Davao City Police) na mag-vo­lunteer pa-assign sa Caloocan, nagi-start talaga dun sa Davao yung kultura nilang pagserbisyo,” ani dela Rosa na sinabi pang sa Davao siya lumaki kaya alam niya kung paano magtrabaho ang mga tauhan at opisyal ng Davao City Police.

Nabatid na inihayag ni Mayor Duterte –Carpio ang kaniyang pagtutol na ipadala sa Caloocan City ang mga pulis  sa kaniang lungsod dahilan marami naman aniyang matitinong pulis sa Luzon na maaring humalili sa mga ito.

 Ikinatwiran pa ng alkalde na sensitibong lungsod ang Davao dahilan dito nakatira ang Pangulo kaya hindi makabubuting dalhin dito ang mga tauhan ng Caloocan City Police  kapalit ng mga Davao City Police na dadalhin naman sa pinanggalingang siyudad ng mga nasibak.

Magugunita na dahilan sa pagkakasangkot ng ilang miyembro ng Caloocan City Police sa serye ng kontro­bersya sa anti-drug war at warrantless raid ay ipinagutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde ang pagsibak sa buong puwersa ng nasabing himpilan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with