^

Bansa

Bautista umalma sa akusasyong ‘lutong Macau’ sa impeachment

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Bautista umalma sa akusasyong  �lutong Macau� sa impeachment

Umalma kahapon si Commission on Election (Comelec)  Chairman Andres Bautista sa akusasyon ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na umano’y “lutong Macau” ang ginawang pagbasura ng mga mambabatas sa kinaharap na impeachment complaint sa Kamara. Edd Gumban/File

MANILA, Philippines —  Umalma kahapon si Commission on Election (Comelec)  Chairman Andres Bautista sa akusasyon ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na umano’y “lutong Macau” ang ginawang pagbasura ng mga mambabatas sa kinaharap na impeachment complaint sa Kamara.

Ito’y matapos 22 mambabatas ang bumotong insufficient in form ang reklamo habang dalawa lamang ang tumutol para rito.

Ayon kay  Bautista, imposible naman na isakripisyo ng mga mambabatas ang kanilang trabaho kung mismo sila ang nakakita na walang basehan ang inihain na reklamo laban sa kanya.

Sinabi ni Bautista na kailangang matuto rin na gumalang ang kanyang mga kritiko katulad nang pagpaubaya niya na sa­sampahan ito ng reklamo kahit paninira lamang ng pagkatao nito ang pangunahing layunin.

Una na ring itinanggi ng opisyal na walang basehan ang hinala na ilan umano sa mga kongresista ay nakakuha ng benepisyo mula sa kanya noong nakaraang 2016 national elections.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with