^

Bansa

Free tuition may pondo na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Free tuition may pondo na

Nakahanap na ang Kamara ng mga mapagkukunan para sa P40 bilyong pondo sa Free Higher Education program sa 2018. File

MANILA, Philippines — Nakahanap na ang Kamara ng mga mapagkukunan para sa P40 bilyong pondo sa Free Higher Education program sa 2018.

Sinabi ni House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na ang P30 bil­yon ay kukunin nila mula sa Department of Education (DepEd) partikular na sa kanilang school building programs.

Subalit ang pagkukunang proyekto umano ay iyong mga wala pang malinaw na lugar na pagtatayuan ng school building o di kaya ay may problema sa lupa.

Habang mayroon din P3 bilyon na kukunin naman umano sa dalawang proyekto ng Department of Transportation at ang P6 bilyon naman ay kinuha sa scholarship program ng State Colleges and Universities (SUCs) at ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang iba pang natitirang kulang ay kinuha naman sa Department of Information and Communication Technology (DICT).

Kaya sa kabuuan ayon kay Nograles, nakapag-ipon sila ng P40 bilyon para sa Free Higher Education.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with