PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

NBI magpapatulong sa Interpol sa paghahanap sa tumakas na Aegis Juris fratman

MANILA, Philippines — Inutusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na makipagtulungan sa Interpol upang matunton ang isa sa mga suspek sa pagkasawi ng UST law student.

Nalaman ngayong Huwebes na nakalabas na sa bansa si Ralph Caballes Trangia at magtungo ng Taipei nitong kamakalawa isang araw bago ilabas ni Aguirre ang watch list laban sa kaniya at sa iba pang miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Isa si Trangia sa primary suspects sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na pinaniniwalaang nasawi sa hazing.

Bukod kay Trangia, pinaghahahanap din ngayon ang mga kasamahan niya sa fraternity na sina:

• Arvin R. Balag

• Mhin Wei Chan

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

• Marc Anthony Ventura

• Axel Mundo Hipe

• Oliver John Audrey Onofre

• Joshua Joriel Macabali

• Jason Adolfo Robiños

• Ranie Rafael Santiago

• Danielle Hans Mattew Rodrigo

• Carl Mattew Villanueva

• Aeron Salientes

• Marcelino Bagtang

• Zimon Padro

• Jose Miguel Salamat

• John Paul Solano

Kinumpirma naman ni Bureau of Immigration spokesperson Ma. Antonette Mangrobang na hindi pa nakalalabas ng bansa ang mga nasa watchlist maliban kay Trangia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: