PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bam: Pagkamatay ng UST law student sa hazing imbestigahan

MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ng isang senador ang pagkamatay ng University of Santo Tomas law student na si Horacio Tomas Castillo III sa umano’y fraternity hazing rites.

Sa inihaing Senate Resolution No. 510, sinabi ni Sen. Bam Aquino na ang imbestigasyon ay tututok sa kung paano mabibigyan ng dagdag na ngipin ang Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law upang ito’y makatugon sa kasalukuyang panahon.

“There is a need to improve the existing mechanisms for the deterrence of hazing-related crimes,” wika ni Aquino na idinagdag na mahalaga ang papel ng koumunidad at mga paaralan upang matiyak na ang mga nakalipas na insidente ng hazing ay hindi na mauulit pa.

BASAHIN: Suspek sa UST hazing nakalabas ng bansa

Mula nang maisabatas ang RA No. 8049 noong 1995, tinatayang nasa 26 kaso ng karahasan na may kinalaman sa hazing ang nagyari, ayon sa senador.

Kabilang rito ang kaso nina Mervin Sarmiento at Oliver Estrella noong 1995, Alexander Icasiano noong 1998, Ace Bernabe Ekid at Dominante Tunac noong 2000, Rafael Albano noong 2001, Marlon Villanueva noong 2006, Mark Rodriguez at Chris Mendez noong 2007, Elvis Sinaluan noong 2009, EJ Intia noong 2010 at Anthony Javier noong 2015.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Natagpuan umano ang bugbog-saradong katawan ng 22-anyos na si Castillo sa bangketa sa Balut, Tondo nitong September 17 at dinala ng isang concerned citizen sa Chinese General Hospital.

Nakilala ang naturang concerned citizen na si John Paul Solano at nalamang miyembro siya ng Aegis Juris na nagpahirap kay Castillo.

“There should be no place in our society for violence and cruelty,” sabi ni Aquino na nanawagan sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente at ikulong ang mga nasa likod ng nasabing karumal-dumal na krimen upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: