PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taxi driver sa Carl Arnaiz slay nasa NBI custody na

MANILA, Philippines – Nasa pangangalaga na ng National Bureau of Investigation ang taxi driver na hinoldap umano ng 19-anyos na si Carl Arnaiz na napatay naman ng mga pulis-Caloocan nitong nakaraang buwan.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nagtungo si Tomas Bagcal sa tanggapan ng NBI kahapon upang sumailalim sa kanilang protective custody.

Kabilang si Bagcal sa kinasuhan ng murder ng pamilya nina Arnaiz.

READ: Taxi driver na hinoldap umano ni Carl Arnaiz umalis sa proteksyon ng rights group

Unang lumapit sa church-based rights group na Rise Up for Life and for Rights si Bagcal ngunit sinabi ng grupo kahapon na nagpaalam na sa kanila ang taxi driver.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pumayag si Bagcal na makipagtulugan upang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Arnaiz.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nauna nang pinuna ng mga awtoridad ang magkaibang salaysay ni Bagcal.

Matapos magpaprotekta sa Rise Up for Life and for Rights ay itinanggi ni Bagcal na affidavit niya ang hawak ng mga pulis.

Napatay ng mga pulis si Arnaiz matapos umanong holdapin si Bagcal.

Lumabas naman sa forensic analysis na pinahirapan at hindi nakapanlaban si Arnaiz taliwas sa spot report ng mga pulis.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: