^

Bansa

Reward vs ‘ninja cops’ itinaas sa P3M

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinaasan na ni Pa­ngulong Duterte ang alok nitong reward money laban sa mga tinaguriang “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Sa conferment ce­remony ng Gawad Exe­cutive Service at 2017 Outstanding workers sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na mula sa P2 million ay ginawa na niyang P3M ang pabuya sa bawat ulo ng ninja cops.

Sabi ng Pangulo, nagbigay na siya ng P2 million pabuya sa mga ninja cops pero wala pang naitutumba o naihaharap sa kanila.

Tinawag na ninja cops ang mga tiwaling pulis na nagre-recycle ng nahuhuli nilang mga droga at pinabebenta muli sa merkado ang shabu.

Aniya, hindi niya ititigil ang drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon subalit iginiit din nito na hindi niya kukunsintihin ang extra judicial killings lalo ang pagpatay sa mga inosenteng kabataan at sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with