^

Bansa

Bgy., SK elections idaraos sa May 2018

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpa­liban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections nga­yong taon.

Sa botong 17-1 at zero abstention, pumasa ang panukala na nauna ng sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte. Gagawin na lamang ang halalan sa Mayo 2018 imbes na ngayong Oktubre 2017.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang halalan ng barangay at SK elections ng kasalukuyang administrasyon.

Sa hanay ng mga senador na dumalo kahapon sa sesyon, tanging si Sen. Risa Hontiveros lamang ang tumutol sa pagpasa ng panukala.

Naniniwala si Hontiveros na maituturing na pang­ho-hostage sa karapatan ng mga mamamayan at mga kabataan na mamili ng kanilang lider ang gagawing muling pagpapaliban ng SK at barangay elections.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Ralph Recto na dapat ay ito na ang huling pagkakataon na ipagpapaliban ang barangay at SK elections.

Matatawag na aniyang “strike three” sa demokras­ya kapag hindi pa natuloy ang halalan sa Mayo 2018. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with