^

Bansa

LGBT bill lusot na sa final reading

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprub na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang nagbabawal ng diskriminasyon sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT).

Sa botong 198 yes, ay pasado na ang House Bill 4982 o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) matapos ang 18 taon pagkakabinbin sa Kamara.

Sa ilalim ng panukala, mahigpit na itinatakda ng SOGIE bill ang pagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga LGBT kabilang dito ang denial ng access sa serbisyo, diskriminasyon sa trabaho at eskwelahan dahil sa pagiging LGBT.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtatakda ng mas malupit na disiplina o parusa sa mga estudyante base sa kanilang sexual orientation gayundin ang tanggihan ang kanilang aplikasyon para sa professional license o iba pang dokumento.

Hindi rin maaaring pagbawalan ang mga LGBT na pumasok sa alinmang establisimyento at hindi sila pwedeng pilitin na sumailaim sa medical o psychological examination.

Ipinagbabawal din na i-harass ng mga otoridad ang LGBT, hindi rin sila dapat na ipahiya ng sinuman o kahit pa isailaim sa profiling.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 at makukulong ng hanggang anim na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with