PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bank account ni Trillanes inimbento lang ni Digong

MANILA, Philippines — Pinagtawanan ni Pa­ngulong Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV dahil bumagsak ito sa kanyang ‘bitag’ makaraang gumastos pa ito at nagtungo sa Singapore para alamin ang sinasabing account nito sa DBS Bank.

Inamin ng Pangulo sa panayam ng PTV 4, inimbento lamang niya ang bank account at sinadyang minali ang bank account number ni Trillanes upang mahulog sa kanyang bitag ang mambabatas.

“Binawasan ko ng number, imbento lang. Diyos ko Trillanes, when you lie, you put another lie to cover this lie… patong patong na iyan,” wika ni Pangulong Duterte.

Iginiit pa ng chief executive, ang tunay na bank account number ni Trillanes sa DBS Bank ay “11780-00281-60-2.”

Patawa-tawa pa ang Pangulo ng malaman na nagkumahog si Trillanes at nagsama pa ng media nang magtungo sa Singapore kamakalawa para beripikahin ang sinasabi account nito na kanyang ibinunyag at sinadyang minali ang numero.

Nagmamalaki pa si Trillanes na ibinalita sa kanyang kasamang media sa Singapore na ‘negative’ ang sinasabing account niya sa DBS bank.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na gumamit ng istilo ang Pangulo ng sinad­yang maliin ang ibinunyag nitong bank account ni Trillanes sa DBS bank.

“That’s the President logic. May kanya-kanya pong style yan. The President is quite unorthodox,” paliwanag pa ni Abella.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: