^

Bansa

Duterte makiki-rali rin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte makiki-rali rin

Magsasagawa rin ng rally ang mga supporters ni Pangulong Duterte sa Plaza Miranda. File

MANILA, Philippines — Tatapatan ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ikinakasang rally ng iba’t ibang sector sa “national day of protest” sa araw na ito.

Magsasagawa rin ng rally ang mga supporters ni Pangulong Duterte sa Plaza Miranda.

Ang militanteng grupo naman ay magtitipon-tipon ngayong alas-4 ng hapon sa Luneta Park matapos ang kanilang rally sa Mendiola.

Sinabi ng Pangulo sa panayam ng PTV 4 kamakalawa ng gabi na ma­ging siya ay sasama din sa kilos protesta sa araw na ito.

Ayon sa Pangulo iproprotesta niya ang mga dilawan na kasalukuyang nakaupo sa gobyerno na hindi naman niya masibak dahil sila ay protektado ng security of tenure.

Inihayag ng Pangulo na malaya ang sinuman at alin mang grupo na maglabas ng saloobin sa gobyerno sa ilalim ng prinsipyo ng demokrasya basta walang malalabag na batas at mananatiling payapa ang mga kilos protesta.

Magugunita na nagpalabas ng kautusan si Pangulong Duterte na nagsususpinde sa pasok sa executive branch gayundin sa pampublikong paaralan sa buong bansa kasama ang mga state colleges and universities.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with