^

Bansa

6 barko ng raliyista vs Digong susugod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 barko ng raliyista vs Digong susugod

Sinabi ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa  na inalerto na niya ang buong puwersa ng kapulisan sa mga lugar na pagdarausan ng demons­trasyon. PNP PIO, File

MANILA, Philippines — Anim na barko ng mga raliyista galing umano sa Visayas at Mindanao ang susugod sa Metro Manila para lumahok sa ilulunsad na ‘nationwide day of protest’ kasabay ng paggunita sa ika-45 taong deklarasyon ng martial law ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos ngayong araw. 

Sinabi ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa  na inalerto na niya ang buong puwersa ng kapulisan sa mga lugar na pagdarausan ng demons­trasyon.

“We have enough preparations and we are monitoring the event tomorrow, we are prepared. Nag-hire daw sila (rally organizers) ng anim na barko para kargahan ng mga galing sa Mindanao at Visayas para pumunta dito sa Metro Manila,” ani dela Rosa pero sinabing bineberipika pa nila ang impormasyon.

Una nang sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na nasa 100,000 anti-Duterte rallyists ang lalahok sa kilos protesta kabilang ang Movement Against Tyranny.

Ayon kay dela Rosa, mahigpit ding babantayan ang hanay ng mga raliyista dahil baka lumahok rito ang mga rebeldeng NPA na posibleng maghasik ng kaguluhan.

“Ang kinukuha nila yung madali nilang mauto na mga native doon sa Mindanao saka Visayas at alam natin diyan na-mo-monitor natin yan kapag ganyang mga movement pati yung galing sa armadong NPA, hindi lang nagdadala ng armas pero sumasama sa rally na yan, kaya binabantayan natin ng husto,” ani dela Rosa.

Sabi ni dela Rosa, maaring maghayag ng kanilang mga hinaing at sentimyento sa admi­nistrasyon kahit paabutin pa hanggang langit ng mga raliyista basta’t huwag lamang mananakit ng kanilang kapwa.

Binigyang diin pa ni dela Rosa na hindi na nais ng PNP na maulit ang nangyari sa Kidapawan City matapos na pasukin ng mga armadong rebelde na nagpaputok sa mga pulis ang hanay ng mga nagsisipag-rally na mga Lumad o katutubo noong Abril 2016 na ikinasugat ng mahigit 100 katao. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with