PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong tinanggihan ang kapangyarihan na makapagtalaga ng barangay officials

MANILA, Philippines — Tinaggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng Kamara na ibigay sa kaniya ang kapangyarihan na makapagtalaga ng mga opisyal ng barangay kasunod ng pag-apruba na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

“Ngayon, ‘pag sinabi ninyo i-appoint na lang, sinabi ko kanina sa House of Representatives through the Speaker and — 'Wag mong ibigay sa akin mag-appoint-appoint. Ayaw ko, ibigay ninyo sa iba,’" wika ni Duterte kagabi sa panayam niya sa PTV4.

Sa botong 213-10, ipinasa ng Kamara ang House Bill 6308 na naglalayong iusog ang eleksyon sa Oktubre 23 sa Mayo ng susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nais niya na siya ang maglagay ng mga tao sa barangay para sa ikaaayos ng kaniyang war on drugs. Aniya nasa 40 percent ng mga opisyal ng barangay ang sangkot sa ilegal na droga.

“Ngayon ang sabi ko, kung ayaw ninyong maniwala, okay sa akin. Walang problema, eleksyon tayo. Pero kung ma-reelect ‘yang nasa droga, hindi ko na problema ‘yan,” patuloy niya.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: