PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Youth group nanawagan sa pagbibitiw ni Aguirre

Suot-suot ang makukulay na peluka, nanawagan ang mga kabataan sa pagbibitiw ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II ngayong Miyerkules sa tanggapan ng Department of Justice. STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines – Sumugod ang grupo ng mga kabataan ngayong Miyerkules ng umaga sa tanggapan ng Department of Justice upang manawagan sa pagbibitiw ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II.

Suot ang makukulay na mga peluka, sabay-sabay na isinisigaw ng mga kabataan ang “wig kang pasaway.”

Nais nilang pababain sa pwesto si Aguirre dahil sa pagpapakalat umano ng fake news at panggugulo sa sistema ng hudikatura ng basa.

“We are here to call for Secretary of Justice Aguirre to resign because we believe that he’s unfit for office,” pahayag ng isa sa mga kabataan.

Naghain din ng petisyon ang grupo sa Change.org kung saan higit 17,000 na ang naglagda.

Samantala, tila wala namang balak bumaba sa pwesto si Aguirre base sa kaniyang pahayag nitong nakaraang linggo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Let me say for the nth time that for as long as I have the trust and for as long as I enjoy the confidence of President (Rodrigo) Duterte who appointed me, I will continue serving our people as the steward of your DOJ," wika ng kalihim.

Nauna nang nanawagan sa kaniyang pagbibitiw si Sen. Risa Hontiveros na isiniwalat ang text message ni Aguirre sa isang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nahuli sa mensahe ang utos ni Aguirre sa VACC na madaliin ang kaso laban sa senadora.

Nakilala ang kausap ni Aguirre na si dating Negros Oriental Rep. Jacinto "Jing" Paras.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: