PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taxi driver na hinoldap umano ni Carl Arnaiz umalis sa proteksyon ng rights group

MANILA, Philippines —  Ipinagdarasal na lamang ng Rise Up for Life and for Rights ang taxi driver na hinoldap umano ni Carl Arnaiz matapos umalis sa kanilang pangangalaga.

Kinumpirma ng church-based rights group na nagpaalam na sa kanila si Tomas Marleo Bagcal na idinadawit na rin sa pagkamatay ni Arnaiz sa kamay ng mga pulis-Caloocan nitong nakaraang buwan.

“We pray for his continued safety and respect his decision to seek assistance elsewhere,” pahayag ng grupo.

Sinabi ng grupo na hindi na sila pwedeng sumagot sa mga katangungan sa kaso ni Bagcal, habang hinimok nila ang iba pang biktima at pamilya ng mga biktima ng madugong kampanya laban sa ilegal na droga na lumapit sa kanila.

“We encourage witnesses and loved ones of those killed in Duterte’s bloody ‘drug war’ to come forward and speak out about what is happening in their lives and communities,” sabi ng grupo.

“To this end, we can provide interviews with other families or with our spokesperson Fr. Gilbert Billena, O Carm (Order of Carmelites).  With due respect for Mr. Bagcal, we will not answer questions on his particular case,” dagdag nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Itinanggi ni Bagcal na ang affidavit na hawak ng mga pulis ay sa kaniya. Aniya dinala lamang niya si Arnaiz sa mga pulis matapos siyang holdapin.

Nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senado ang taxi driver.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: