PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong inimbento lang ang account number ni Trillanes sa Singapore

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na inimbento lamang niya ang umano'y account number ni Sen. Antonio Trillanes sa isang banko sa Singapore.

Sinabi ni Duterte na sinadya niya ito upang mahuli ang senador na natungo pa sa Singapore.

"Inimbento ko lang 'to," wika ng pangulo sa kaniyang panayam sa PTV-4.

"Produkto ng isip ko to. Tinanggalan ko lang ginamit mo. Nag-issue ka ng waiver. Ang waiver mo iba ang account number iba ang totoo."

Pinuntahan ni Trillanes ang banko kahapon upang patunayang wala siyang account doon.
Kinumpirma naman ito ng DBS at sinabing walang 178000296012 na account number.

Ikinatuwa naman ni Trillanes ang pag-amin ng pangulo na nagsinungaling siya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"To begin with, nanalo siya base sa propaganda at kasinungalingan," sabi ng senador.

"Sana naman maliwanagan na ang mga kababayan natin na naloko at patuloy na niloloko sila ni Duterte," dagdag niya.

Samantala, iginiit pa rin ni Duterte na meron talagang account si Trillanes sa ibang bansa.

Aniya isinara na ni Trillanes ang kaniyang account sa Hong Kong.

"Senador wala kang isang bangko na dineposituhan mo? Saan pala yung kinita mo sa DAP," sabi ni Duterte na inungkat pa ang umano'y kinita ni Trillanes sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program ng nakaraang administrasyon.

Isa si Trillanes sa matitinding kritiko ni Duterte.

Nito lamang ang hinamon niya ang pangulo na lagdaan ang bank waivers upang masilip ng Anti-Money Laundering Council at ng Ombudsman ang kani-kanilang yaman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: