^

Bansa

HPG vs. car assume balance syndicate, suportado ng LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala at suportado ng pamunuan ng Lawyers for Commutters Safety and Protection (LCSP) ang pagpupursigi ng Highway Patrol Group ng PNP na makasuhan ng carnapping at syndicated estafa ang mga nasa likod ng Pasalo Car Repo at Car Assume Balance Syndicate na nambibiktikma ng mga car owners na wala ng pambayad sa kanilang monthly amortization sa mga bangko at financing institutions.

Dahil sa naisampang kaso ng HPG sa Mandaluyong court laban sa mga akusadong sina Joemark Norico, ang kasintahan nitong si Charlene Navalta at mga kasabwat na sina Jesse Norico , Exquiel Cornejo ,Paul David Santos, Alvin Alcantara at Noe Nava ay patuloy na nakakulong ang mga ito ngayon dahil walang piyansa ang kanilang kaso.

“Malaking panalo ito ng mga scam victims at ng HPG laban sa sindikato. Hindi na muling makapangbibiktima ang mga ito at ang mga nabiktima naman ay lalakas na ang loob na lumantad at magsampa na rin ng kaso “ pahayag ni LCSP founding President Ariel Inton.

Ani Inton, tumatayong abogado ng ilang biktima ng scam, may mahigit 100 katao na ang lumapit sa LCSP na nabiktima ng grupo ni Norico.

Kaugnay nito, hinikayat ni Inton ang iba pang biktima ng sindikato na lumabas na rin at ma­kipagtulungan sa mga otoridad upang makasuhan at mapanagot sa  batas ang mga manloloko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with