^

Bansa

Judge pinapa-subpoena ni Gordon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng umiiral na “separation of powers” ipapa-subpoena ni Sen. Richard Gordon si Judge Jovencio Gascon upang pagpaliwanagin kung bakit hindi pa nito ipinag-uutos ang pagsira sa 890 kilo ng shabu na nakumpiska noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC), naungkat ang tungkol sa 890 kilos ng shabu na hindi pa nasisira.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa loob ng 24 oras matapos makumpiska ang iligal na droga, dapat ay isinusumite ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsasagawa ng inspeksiyon at sa loob ng 72 oras magkakaroon ng ocular inspection ang korte sa pamamagitan ng PDEA at sa loob ng 24 oras ay dapat ipag-utos ang pagsira sa droga.

Natuklasan sa pagdinig na sa 890 kilos na nakum­piska, 500 kilos lamang ang nailagay sa pangangalaga ng PDEA at hindi pa umano natatapos ni Gascon ang inspeksiyon.

Sinabi pa ni Gordon na dapat malaman ng Korte Suprema ang pagde-delay ng nasabing judge sa kaso na umabot na ng 10 buwan.

Sa panayam matapos ang hearing, sinabi ni Gordon na ipapa-subpoena si Gascon sa pamamagitan ng court administrator ng Supreme Court.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Setyembre 25.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with