^

Bansa

Holiday sa Martial Law anniversary?

Pilipino Star Ngayon
Holiday sa Martial Law anniversary?

MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang kaguluhan, balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na isuspinde ang pasok sa trabaho at eskwela sa Metro Manila sa anibersaryo ng Martial Law.

Ito ay sa kabila ng banta ng malawakang protesta ng mga komunistang grupo.

“At this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang masaktan, walang ano kung may demonstration diyan, magkagulo,” wika ni Duterte sa kaniyang panayam kay Erwin Tulfo.

Wala namang binanggit na petsa ang pangulo para sa kaniyang plano.

BASAHIN:  Nationwide martial law malabo – Defense chief

Kinakailangan din naman na magkaroon ng proklamasyon ang Palasyo upang maging opisyal itong holiday.

“Walang trabaho ang gobyerno ‘yang araw na 'yan at ang klase suspended. At lahat ng public places dito na gusto ninyong i-occupy, kunin ninyo,” dagdag ng pangulo.

Kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang plano ni Duterte. Aniya baka gawin ito sa Setyembre 21 petsa kung kailang idineklara ni dating Pangulo Ferdinand Marcos ang Proclamation 1081.

“During my interaction with him early this week, sinabi niya na pagka-magkaroon ng massive rally sa Metro Manila at it might inconvenience the public, para hindi ma-inconvenience, sabi niya, ‘Hindi ko na lang sila papasukin. I will declare walang papasok sa mga opisina,’ sabi ni Lorenzana.

“Hindi naman niya sinabi kung anong araw but since the Left is threatening to have this massive demonstration on the 21st and siguro baka 21st,” dagdag ng kalihim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with