Nationwide martial law malabo – Defense chief
MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga banta ng panggugulo ng mga komunista, naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi magdedeklara ng martial law sa buong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Lorenzana na hindi naman mangyayari na makakapagdaos ng “massive demonstration” sa buong bansa ang mga makakaliwa.
“But I don’t think the possibility that the Left will be able to conduct a massive demonstration across the country, [thereby] disrupting the civil government or the lives of the people ay hindi naman siguro mangyayari 'yon,” wika niya.
BASAHIN: Kapag pinalawak ng NPA ang rebelyon: Martial Law buong Pilipinas - Digong
Nagbabala ang pangulo nitong nakaraang linggo na isasailalim ang buong bansa sa martial law kapag pinalawak ng New People’s Army ang rebelyon.
“Si presidente lang kasi, he’s very concerned that it might get out of hand,” paliwanag ni Lorenzana.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng martial law ang buong Mindanao kasunod ng panggugulo ng Maute terror group sa Marawi City.
Idineklara ito noong Mayo 23 at pinalawig pa matapos ang 60-day validity nito.a
- Latest