^

Bansa

Termino ni Duterte hanggang 2025

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Termino ni Duterte hanggang 2025

Si Pangulong Duterte habang kausap si Sec. Jesus Dureza sa selebrasyon ng 24th anniversary ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) na ginawa sa Malacañang kahapon. (KJ Rosales)

MANILA, Philippines — Maaari umanong mapalawig hanggang 2025 ang termino ni Pangulong Duterte sa oras na maisapinal at mapagtibay ang federal form of government sa Pilipinas.

Sinabi ni Lito Lorenzana, pangulo ng Centrist Democracy Political Institute (CDPI), sa media briefing sa Malacañang na batay sa kanilang planong timeline, pangungunahan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-con) ang pag-amyenda sa Saligang Batas at maaaring mapagtibay sa February 2019 plebiscite.

Ayon kay Lorenzana, pagdating ng May 2022 maisasagawa na ang kauna-unahang parliamentary elections sa ilalim ng bagong Federal Constitution para bubuo ng unicameral parliament na may terminong limang taon o hanggang 2025.

Kaya sa bagong porma ng gobyerno, maaari umanong ipagpapatuloy ni Pangulong Duterte hanggang 2025 ang kanyang dual presidential role bilang head of state at head of government na siyang mangunguna sa unicameral parliament.

Pero dahil sinasabi raw ng Pangulo na bababa siya sa puwesto pagdating 2022, hahalal ang parliamento ng bagong pangulo para ipagpapatuloy ang natitirang termino ni Duterte sa ilalim ng federal government.

Pagdating ng 2025, magkakaroon ng second regular parliamentary elections na may limang termino hanggang 2030 at dito magkakaroon na ng bagong Prime Minister at bagong Pangulo ang bansa.

Inihayag ni Lorenzana na kanilang isusumite ang kanilang panukalang amyenda sa 1987 Constitution sa bubuuing 25-man commission ni Pangulong Duterte sa susunod na mga araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with