PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bam Aquino sa PNP: May tinatago ba sila?

MANILA, Philippines — May tinatago ba sila?

Ito ang tanong ni Sen. Bam Aquino sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng panawagan sa kanila na maging bukas sa pagpapakita ng mga spot report sa mga mamamahayag gayun din sa Senado.

“Last hearing, Gen. Ronald Dela Rosa agreed that the PNP has nothing to hide kaya nagtataka tayo kung bakit ayaw ibigay ng ilang tauhan niya ang spot reports sa media,” wika ni Aquino.

Tinutukoy ng senador ang ulat na ilang miyembro ng media ang hindi binigyan ng pagkakataong tingnan ang spot reports dahil sa umano’y bagong kautusan galing sa Camp Crame.

“Kung wala silang tinatago, dapat nilang ipakita ang mga ito sa media,” dagdag ni Aquino na nagsabing alam ng media kung paano hahawakan ang mga confidential na impormasyong nakalagay sa spot reports.

Sinabi ni Aquino na ang direktiba ng PNP na itago ang spot reports sa media ay taliwas sa isinusulong ni Pangulong Duterte na transparency sa pamahalaan sa pamamagitan ng Freedom of Information (FOI).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umaasa ang senador na tutupad si Dela Rosa sa pangako niyang bibigyan ang mga senador ng kopya ng spot reports ng PNP, lalo na sa mga kaso ng umano’y extrajudicial killings at mga pagpatay sa labas ng operasyon ng pulis.

“Itong spot reports, nagpapatunay kung meron talagang kababalaghan na nangyayari o wala kaya mahalaga na makuha namin iyan sa aming imbestigasyon. We still expect that the PNP will submit them to the Senate as promised,” giit ni Aquino.

Nauna nang nanawagan ang senador sa pamahalaan na ihinto na ang Oplan Double Barrel at muling pag-aralan ang giyera kontra ilegal na droga kung saan libu-libong katao na ang namamatay simula nang ipatupad ito noong nakaraang taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: