PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 pulis Caloocan, taxi driver kinasuhan na ng murder

he mother (L) of teenager Carl Arnaiz, who was shot and killed after he allegedly robbed a taxi driver at gunpoint on August 17, cries during mass ahead of Arnaiz's burial at the Mater Dolorosa Parish in Manila on September 5, 2017. Philippine authorities said September 4 they would investigate allegations police tortured and murdered a second teenager following an earlier killing that sparked the largest street protests so far against President Rodrigo Duterte's war on drugs. AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines – Naghain na ng kasong murder ang magulang ni Carl Arnaiz laban sa dalawang pulis Caloocan City at taxi driver kasunod ng pagkasawi ng 19-anyos nilang anak.

Isinampa nina Carlito at Eva Arnaiz sa Deaprtment of Justice ang kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code laban kina Police Officer (PO)1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Dawit din sa kaso ang taxi driver na si Tomas Bagcal na nagsabing hinoldap siya umano ni Arnaiz.

“Imposible magawa ni Carl Angelo ang panghohold-up,” wika ni Eva Arnaiz.

Si Bagcal ang humingi ng tulong kina Perez at Arquilita matapos siya umanong holdapin ni Carl Arnaiz sa Caloocan.

Ayon naman kina Perez at Aqquilita, armado at nanlaban ang teenager, ngunit iba ito sa sinasabi ng forensic analysis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ayon sa forensic report, ang aming anak ay tinorture at pinahirapan muna bago siya pinatay. Ito ay salungat sa sinasabi ng mga pulis sa kanilang police report na nanlaban ng aming anak,” patuloy ng ina ng biktima.

Ang huling nakasama ni Arnaiz na si Reynaldo de Guzman ay natagpuang patay sa Nueva Ecija na halos tadtad ng 30 saksak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: