PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong ‘di lalagda sa waiver

“If Trillanes wants to find something of fault with me, tell him,‘Go somewhere else and fly a kite,’” wika ng Pangulo sa media interview kahapon ng madaling araw sa Libingan ng mga Bayani. PPD/Ace Morandante, File

MANILA, Philippines —  Hindi lalagda sa waiver si Pangulong Duterte tulad ng hamon ni Sen. Antonio Trillanes IV upang mabusisi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Ombudsman ang kanyang bank accounts.

“If Trillanes wants to find something of fault with me, tell him,‘Go somewhere else and fly a kite,’” wika ng Pangulo sa media interview kahapon ng madaling araw sa Libingan ng mga Bayani.

“If he wants to get evidence, do not get it from my mouth. You must be stupid, even if it is true or false,” sabi pa ni Duterte.

Binuweltahan din ni Duterte si Trillanes dahil sa pagkakaroon nito ng offshore joint bank accounts sa Chinese national kaya balewala ang nilagdaan nitong waiver kung hindi naman lalagda ang kanyang ka-joint account.

“Alam mo naman si Trillanes he thinks that really people are ignorant. ‘Yung lahat ‘yang joint account niya, may partner siya na Chinese,” wika ng Pangulo.

“Even if he signs a waiver, if the co-signer does not, walang mangyari niyan. And the bank would never, never name who is the partner,” giit pa nito hinggil sa paglagda sa 12 waiver ni Trillanes.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Why would I give you the pleasure? Kung gusto siyang maghanap, ‘di maghanap siya. Bakit niya ako damayin,” paliwanag pa ng chief executive.

Hinamon pa niya si Trillanes na patunayan na lamang ang kanyang mga alegasyon laban sa kanya sa sinasabi nitong mga bank accounts.

“Ngayong Presidente na ako, kung mayroon ako niyan, bababa ako pagka-Presidente,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na sinabi ng Pangulo na ilalabas niya sa mga susunod na araw ang dokumento na magpapatunay sa pagkakaroon ng offshore accounts ni Trillanes.

“Yes. We are building a case. Mahirap kasi. Bank Secrecy Law,” dagdag pa ni Duterte.

Inakusahan din ni Duterte ang mambabatas na sangkot sa ma­ling paggamit nito ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ilalim ng administrasyon ni da­ting Pangulong Noynoy Aquino.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: