PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P678M budget ng CHR ibabalik ng Senado

Ipinaalala ni Sen. Sonny Angara na ang CHR ang nakadiskubre ng nakatagong selda sa isang city jail na may mga nakakulong na mga bata at babae. Isa aniya itong dahilan para bigyan ng tamang pondo ang komis­yon. File

MANILA, Philippines —  Tiniyak ng mga senador na ibabalik ang P678 milyong budget ng Commission on Human Rights (CHR) matapos bigyan ng P1,000 budget ng House of Representatives.

Wala kahit isang senador ang nagpahayag ng pagsuporta sa ginawa ng Kamara na bigyan lamang ng P1,000 ang CHR.

Ipinaalala ni Sen. Sonny Angara na ang CHR ang nakadiskubre ng nakatagong selda sa isang city jail na may mga nakakulong na mga bata at babae. Isa aniya itong dahilan para bigyan ng tamang pondo ang komis­yon.

Sinabi naman ni Sen. JV Ejercito na kaila­ngan ang CHR laban sa pag-abuso ng mga nasa gobyerno.

Maging si Sen. Panfilo Lacson na magtatanggol ng pondo ng CHR sa Senado ay naniniwalang magkakasundo ang mga senador kahit pa hindi magkaka-partido para suportahan ang pagbibigay ng pondo sa CHR.

Paliwanag ni Lacson, pumasa na sa committee level ang P678 milyong budget ng CHR kung saan kasama ang P28.6 milyon pondo pa sa mga human rights violations.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Una rito, ipinaliwanag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi pa naman pinal ang P1,000 budget na inilaan ng Kamara sa CHR para sa 2018.

Sinabi ni Diokno, dadaan pa naman sa Senado ang bersyon ng Kamara at pinal na bubusisiin sa bicameral conference committee bago pagtibayin bilang ganap na batas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: