PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kamara naglaan ng P1,000 budget sa CHR

MANILA, Philippines — Nanaig ang boto ng tinaguriang "supermajority" sa Kamara matapos maipasa ang P1,000 budget ng Commission on Human Rights para sa susunod na taon.

Umabot sa 119 na mambabatas ang pumabor na bigyan lamang ng P1,000 pondo ang CHR na kilalang kumakalaban sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Nasa 32 kongresista naman ang tumutol sa panukala.

Bago pa man ito mangyari, nauna nang sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez nararapat lamang ito sa CHR dahil hindi naman nila nagagampanan ang kanilang trabaho na pangalagaan ang karapatang pantao ng publiko.

Aniya sa mga kriminal na lamang dapat kumuha ng pondo ang CHR.

"Zero budget" sana ang nais ni Alvarez kung hindi rin lamang ito maaaring i-abolish.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Malaking bahagi ng Kamara ang sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilang beses nang binatikos ng local at international community dahil sa dami nang bilang ng namamatay sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Maaari pa namang umasa ang CHR na hindi ganito ang sasapitin nila sa Senado.

Upang tuluyang maging batas, kinakailangan magkasundo ang Kamara at Senado bago ito iakyat sa pangulo upang lagdaan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: