PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 patay, 5 nawawala sa pananalasa ni ‘Maring’

FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay matapos ang landslide dulot ng bagyong “Maring” na kasalukuyang nananalasa sa Luzon ngayong Martes.

Ayon sa mga ulat, magkapatid na edad 14 at 17 ang nasawi matapos gumuho ang lupa sa kanilang tinitirahan sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Bukod sa mga nasawi, limang katao pa ang naiulat na nawawala dahil sa flash floods sa lalawigan naman ng Laguna.

Nag-landfall si Maring sa lalawigan ng Quezon kaninang umaga.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal kaninang ala-1 ng hapon.

Napanatili ni Maring ang lakas na 60 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 100 kph.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gumagalaw ang bagyo pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Bukod kay Maring ay nasa Philippine area of responsibility rin ang mas malakas na bagyong “Lanie” na nasa hilagang bahagi ng bansa.

Wala namang direktang epekto si Lanie sa bansa na tinutumbok ang Taiwan.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: