^

Bansa

Bagyo sa labas ng PAR, inaasahang papasok ngayong hapon

Pilipino Star Ngayon
Bagyo sa labas ng PAR, inaasahang papasok ngayong hapon

MANILA, Philippines —  Isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility ang binabatayan ng state weather bureau na inaasaahang papasok din ngayong Lunes ng hapon.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyong may international name “Talim” sa 1,300 kilometro silangan ng hilagang Luzon.

Taglay ni Talim ang lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 145 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 25 kph.

Wala pa namang direktang epekto ang bagyo sa bansa.

Kapag tuluyang pumasok sa PAR ang bagyo ay pangangalanang itong “Lannie.”

Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo sa pagpasok nito.

Samantala, isang low pressure area ang binabantayan din sa 400 kilometro silangan ng Quezon province.

Apat na bagyo naman ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with