Taguba may Senate security muli
MANILA, Philippines – Ibinalik na sa pangangalaga ng Senado si Bureau of Customs broker Mark Taguba matapos siyang tanggalan ng seguridad dahil sa umano’y malaking gastos.
Inaprubahan ni Senate blue ribbon committee chair Sen. Richard Gordon ang pagbabalik ni Taguba sa kanilang kustodiya kasunod ng mungkahi ni Sen. Panfilo Lacson.
“May i manifest that Mark Taguba be given a new protective custody or protection by our Senate security,” pahayag ni Lacson.
Wala namang tumutol sa mungkahi ni Lacson.
BASAHIN: Taguba tinanggalan na ng security
Pinuna ni Lacson ang pagkakatanggal ng natatanging testito nila sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa “green lane” ng Customs.
Sa naunang panayam ni Gordon sa dwIZ, sinabi niyang may kakayanan naman ang pamilya ni Taguba na protektahan ang sarili.
“Yes (wala sa Senate custody). Hindi na siya kailangang proteksiyunan. May kaya sila, dating pulis ang tatay niya. Inalis na ang Senate protective custody sa kanya,” pahayag ni Gordon.
Aniya binase niya ang desisyon sa mungkahi naman ng Senate Sergeant-at-Arms na sinabing apat hanggagn 6 na tao ang nagbabantay kay Taguba.
Nilinaw naman ni Gordon na hindi naman kinakailangang mamalagi sa Senado si Taguba.
- Latest